Pangunahing Pahina
Kwentong Slowly  
riennhollins
riennhollins | 🇭🇺 Hungary

Originally written in English. Translated by Nikat.

Mahirap pumili ng isa lamang na istorya mula sa maraming mala-pelikulang karanasan ko sa app na ito. Maaari kong ikwento kung paano kong, hindi sinasadyang makilala, ang aking kasintahan, na hanggang sa araw na ito, ay ang aking pinakamalaking tagasuporta; lahat ng pagpapalitan ng mga nakakaaliw na sulat namin ng aking mga kaibigan, at pagsuporta sa isa’t isa sa mga panahon ng paghihirap; o ang tungkol sa iba’t bang bansa at kultura na natutunan ko, at itinama lahat ng aking maling tipikal na pananaw sa mga ito. Sa halip, gusto ko magbahagi ng isang bagay na tila hindi pinag-uusapan ng maraming tao – isang hindi sikat na opinyon, maaari mong tawagin.

Isa sa aking mga pagkakamali ay ang paghahanap ng mga bagay na pangmatagalan, mga bagay na sigurado. Sa ilang taon, nakatuon ako sa paghahanap ng pagkakaibigan na walang hangganan, nalimutan kong pahalagahan kung ano ang nawala at kung ano ang mayroon ako ngayon. Isa akong tao na labis na nakatuon sa hinaharap at medyo may problema sa pananatili sa kasalukuyan. Palagi akong nagpaplano ng maaga at naghahanap ng bagay na mas higit pa. Kapag hindi ko masabi ang mangyayari sa kinabukasan, ay hindi lamang ako natatakot, subalit ako rin ay naghahanap ng isang bagay – isang tao – na mananatili ng tiyak.

Noong ako’y unang sumali, ang ideya na hindi lahat ng tao ay mananatili ay nakakatakot. Ang pag-alis ng walang pasabi ay nakakatakot. Ang mga hindi aktibo na account at mga pagpapaalam na sulat ay nakakatakot. Minsan, ayaw ko itong tanggapin. Ang takot na hindi na muling makikipag-usap sa kanila ay napakalaki, binulag ako nito. Nakalimutan ko ang pinakaimportante. Na kami ay nagkakilala, nag-usap, at nagbahagi. At ang hindi pagpatuloy nito, ay hindi nangangahulugang hindi ito nangyari.

Habang ako’y tumatagal sa app na ito, unti-unti kong natututunang pahalagahan ang mga pagpapalitan ng sulat namin ng mga taong nawalan ako ng koneksyon. Sapagkat hindi ito “walang silbi” o “nasayang na oras”, at kung may magsabi man, marahil ay ‘di nila naintindihan ang punto ng Slowly.

May mga kaibigan na nananatili, at mayroon ding hindi, at ayos lang iyon. Hindi na ako naghahanap ng isang soulmate, at kahit marami akong nakilalang mga kamangha-manghang tao, na nakakausap ko pa rin matapos ang 1-2 taon, sobra akong nagpapasalamat sa mga taong nawalan ako ng koneksyon matapos lamang ang ilang linggo. Dahil maswerte akong nakilala sila, at sa kanilang sariling paraan, ay may naituro din sila sa akin. Marahil ito ay isang maliit na katotohanan tungkol sa kanilang bansa, ilang mga salita sa kanilang wika; marahil isa itong libro na inirekomenda nila, o marahil ito ay ang katotohanang hindi lahat ng pagkakaibigan ay tumatagal.

Naniniwala ako na lahat ng tao ay kaakit-akit at may masasabi. Slowly ay ang perpektong lugar upang gawin ito. Lahat ng sasali sa app na ito ay may matututunan, at nasa sa kanila kung ano man ng gagawin nila doon.

Para sa mga nanatili: salamat. sa pagiging dito, sa pagsusuporta, sa pakikinig, sa pagmamahal, sa pag-aalaga. Thea, Eli, at sa lahat ng iba pa – Mahal ko kayo, at maswerte akong nakilala kayo.

Para sa mga wala na rito: nagpapasalamat ako na nagkakilala tayo. Salamat sa lahat!

~ rienn

 I-submit ang iyong kuwento

SLOWLY

Simulang makipag-ugnayan sa mundo ngayon!

4.7   5M+